Hi, how can we help?

[Return Refund] How do I raise a return/refund request? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Maaari kang makapag request ng return/refund sa Shopee App bago matapos ang Shopee Returns Window, kahit na napindot na ang Order Received.

 

Seller Type

Buyer Confirm Time

Shopee Returns Window

Mall

7 araw mula nang idineliver

15 araw mula nang idineliver

(Extended)

Non-Mall

3 araw mula nang idineliver

7 araw mula nang idineliver

(Extended)

 

⚠️Tandaan

Nire-require muna na mag-activate ng ShopeePay o mag-input ng valid bank account ang buyer sa kanyang Shopee App bago ito makapag-file ng Return/Refund request para sa mas maayos na refund process. Alamin kung gaano katagal bago pumasok ang iyong refund.

 

Bago mag-raise ng return/refund request, siguraduhin na ang mga sumusunod na kondisyon ay nasunod. Makikita dito ang mga acceptable reason para mag-request ng return/refund.-



To raise a return/refund request

Pindutin ang Return/Refund sa order na nais isauli > Pumili ng reason for request > piliin ang mga produkto at bilang ng nais i-return/refund > Next.



Depende kung kailan ang pag file ng Return/Refund ng Buyer, ang order ay makikita sa sumusunod na My Purchases tab:


Panahon ng pag file ng Return/Refund Request

Order Tab Location

Bago makumpleto ang order 

(bago pindutin ng Buyer ang Order Received)

TO RECEIVE

a72a773388a648edb6b820c6dac43561.png

Pagkatapos makumpleto ang order

(pagkatapos pindutin ang Order Received, o pagkatapos ng Buyer Confirmation Time)

COMPLETED

babe24c7da134d469c57dc56da59462a.png


⚠️Tandaan

Ang pagreturn ng item in brand new/sealed condition (Only applicable to eligible product categories) ay hindi magagamit sa mga Bundle Deals, Add-on Deals at sa Purchase with Gift kung partial quantity lamang ang ibabalik.



Pagkatapos ay pindutin ang Reason > piliin ang angkop na reason > pindutin ang Confirm > magbigay ng mga kinakailangang ebidensya at ilagay ang description ng claim > Submit.


Kung ang pinindot mo ay I have received my items but there are issues, ikaw ay makakapili mula sa pitong (7) return/refund reasons:



Kung ang I didn’t receive my items naman ang iyong pinindot, maaari kang pumili mula sa tatlong (3) return/refund reasons:


May dalawang Solution na maaari mong pagpilian depende sa iyong return/refund reason:

  • Return and Refund

  • Refund Only (maaari mong ilagay ang nais na Refund Amount)



⚠️Tandaan

• Kung ang case ay tumuloy sa Shopee review matapos na pumili ng solusyon ang buyer , ang Shopee ang magdedesisyon kung agaran bang mare-refund ang buyer nang hindi binabalik ang item o kung dapat ba ibalik muna ng buyer ang item bago makuha ang full refund. Alamin ang tungkol sa computation para sa refund.

• Sa paglalagay ng impormasyon para sa iyong request, nag-iiba ang fields na dapat sagutan base sa iyong Return/Refund Reason.

• Magkapareho lamang ang mga hakbang sa pag-raise ng return/refund requests kahit magkaiba ang mga reason. Ang pagkaka-iba lamang ay ang effective supporting documents na maaari mong i-submit bilang patunay sa iyong request.

• Ang Refund Only option ay magagamit lamang para sa mga sumusunod; 

• Parcel not delivered

• Missing part of the product

• Empty Parcel

• Shattered/Broken Products

• Spilled Liquid/Contents

• Expired Product(s)

• Mga produktong sakop ng Perishables at Digital Products and Services category.

• Ang iyong return/refund request ay ipa-process sa loob ng 7-9 working days, at ikaw ay ino-notify tungkol sa resulta nito sa pamamagitan ng in-app push notification at email:

• Para sa Refund Only cases, babalitaan ka ng Shopee matapos itong i-review. Maaari din itong direktang aprubahan ng Seller kung siya ay sang-ayon sa iyong request.

• Para sa Return and Refund cases, kailangan na maipadala pabalik ang product bago makuha ang refund (maliban kung may ibang agreement). Alamin kung paano magpadala ng return parcel.

• Ang final solution ay maaaring magbago base sa review ng Shopee.

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied